1. Bakit daw may mga taong kung kelan ok ka na tska sila ulit magpaparamdam?

    matabangutak:

    Kasi may mga tao na kahit wala na kayo eh gusto nila sila pa rin ang mahal mo, yung gusto nila nasa kanila pa rin ang atensyon mo, yung mga taong nangongolekta ng mga taong alam nila at sigurado silang may nagmamahal sa kanila.

    Matindi problema nung mga yun eh, yung mga nananadya talaga, yung mga sinisigurado nila na dudurugin talaga nila puso mo pero wala na silang pakealam sa nararamdaman mo basta ang gusto nila eh hindi ka maka move on. Tipong simpleng kamusta lang eh iba na ang dating sayo.

    May ganyan talagang tao, di mo alam ang motibo talaga, wala kang magagawa kundi iwasan talaga sila sa abot ng makakaya mo.

  2. "Hindi ko alam kung hindi mo ko pinapansin, kung hindi tayo nagpapansinan, o may pride ka lang talagang ako dapat lagi ang unang kakausap. Ayan hirap sayo minsan eh, kailangan ako lagi, minsan gusto ko rin namang subukan kung sa oras na hindi kita pansinin eh hahanapin mo din ako at kakausapin."
  3. "May ka relasyon siyang iba, pero ikaw ang nasa isip niya. May karelasyon siyang iba, pero malambing din siya sayo. Kaya naguguluhan ka kung mahal niya ba talaga yung ka relasyon niya. O kaya naman napapaisip ka, “What if” maging kayo? Ganun din kaya siya sa iba? Sa oras na maging kayo na?"
  4. Aasa ka ba o Lalayo?

    matabangutak:

    Kung lalayo ka at sa paglayo mo naman eh patuloy ka namang aasa, umasa ka na lang. Sa tingin ko naman walang masama sa umasa eh, syempre pwede ka naman umasa habang nag hihintay din ng bago eh. Yung tipong tatanggapin mo sa sarili mo na medyo malabo na dun sa taong hinihintay o sabihin na nating “taong umaasa ka” habang naghihintay ka ng bagong taong darating sa buhay mo.

    Ang mahirap kasi kapag umasa ka sa isang tao, nagbibigay ka ng sarili mong balakid sa buhay, tipong nag aassume ka na meron pa. Minsan dapat tinatanong mo ang sarili mo kung may binigay ba siyang motibo para umasa? O kaya naman kaya mo ba nasabi yun dahil sa mga effort na naibigay mo? Sa tingin mo ba talaga siya yung nagpapa-asa? O sadyang ikaw lang yung umaasa? Yung wala siyang ideya sa mga bagay na gusto mong mangyari. Minsan ganyan talaga ang buhay eh, minsan unfair, minsan fair. Pero dahil nga sa lagi kang umaasa, naiisip mo ang buhay eh madaya sayo. 

    Pero hindi mo namamalayan, na napakaraming dumarating sa buhay mo na magaganda na hindi mo napapansin dahil nga sa nakagapos ka sa salitang “umaasa ka pa sa isang tao”. Kaya kapag naisip mong lumayo sa taong inaasahan mo. Huwag ka ng lilingon sa nakaraan. Dirediretso lang at makikita mo rin ang kasiyahan na hinahanap mo. Ngiti lang :) Makakayanan mo rin ang lahat ng yan.

About me

Hi! I am Mai. Isang taong malas sa pag-ibig pero patuloy paring magmamahal. HAHAHAHAHA. OA lang noh? Ganyan ako, masyadong OA. Oo, inaamin ko. xD HAHA.

Btw, I'm 17 y.o. Turning 18 this 10.29.12 :) Let's be friends. Ask me anything. :)

Likes